Huwebes, Oktubre 20, 2016

     
                      Pilipino nga ba?

Bayang Magiliw
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay...

            Ano na nga susunod? Tanong nang marami sa mga kabataan ngayon tuwing sila'y pinagsusulat ng ating Pambansang Awit.
           Nakakalungkot isipin na andami-dami nating alam na kanta tagalog, ingles, korean at iba pa. 
            Ngunit bakit ang sarili nating Pambansang Awit na Lupang Hinirang ay hindi kabisado ng ilan sa atin lalo na sa mga kabataan ngayon! Ano na ba ang nangyari sa ating henerasyon ngayon? Bakit madaming kabataan ang hindi kabisado ang Lupang Hinirang? Samantalang, simula kinder at elementarya pa lang tayo kinakanta na natin ito.
            Ano na nangyari? Puro hugot na lang ang alam ng ilan sa mga kabataan ngayon.
           Naway pagtuunan natin ng pansin ang mga ganitong sitwasyon, paano mo masasabing Pilipino ka ni sarili nating Pambansang Awit hindi kabisado?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento