Huwebes, Oktubre 13, 2016

Ang Wika ay Dinamiko




ANG WIKA AY DINAMIKO
 
  Sa pagbabago ng panahon kasabay nito ang mabilisang pagbabago ng ating wika o bokabularyo. Ilan sa mga umusbong dito ay ang "Bekimese" o "Gaylingo" ito ay ang tawag sa salita ng mga Bading.
  
  Sa panahon ngayon hindi lamang mga bakla ang gumagamit ng linguwahing ito kundi pati mga babae at ilan sa mga tunay na lalaki. Nakakatuwa naman kasi talagang gamitin ang mga salitang pambeki kagaya na lang nang salitang "Bayla" na ang ibig sabihan sa ay Bumili, Bumayla na tayeys mga bes!, "Isang kalye" na katumbas sa pera ay Isang daan o One Hundred, "Anetchi" na ang ibig sabihin ay Ano?.

   Sa una'y hindi mo siya maiintindihan pero habang tumatagal masasanay ka rin at maiintindihan mo rin ito. Nahihiwagaan nga ako ngayon kung ano'ng salita ang mawawala, maaalis at mapapalitan ng kahulugan.

  Malayo na talaga ang narating ng ating Wika dahil alam naman natin na ang Wika ay paraan ng pakikipag komunikasyon sa isat-isa, ibat-iba man ang ating Wikang nakagisnan pero ito ang magiging daan tungo sa ating kaunlaran.

11 komento: